Ang cellphone ay isang gamit na napakahalaga sa henerasyong ito. Ito ay maraming naidudulot ng mabuti ngunit meron din naman hindi. Marami ito natutulungan kagaya ko na estudyante, mga guro, may karelasyon, may kamag-anak sa malayo at marami pang iba.
Cellphone nga ay maituturing na para nanating kaluluwa, kung nasaan tayo ay naroon rin ito. Bakit nga ba ay pag-gising natin cellphone na ang hawak-hawak? Siguro nga ay dahil nabibigyan tayo ng kaligayahan. Ang cellphone ay ginagamit natin upang makipagusap sa mga mahal natin sa buhay. Dito ay maaari na tayong makapag download ng skype, facetime, twitter at marami pang iba na maaari natin magamit upang magkaroon ng komunikasyon sa mga taong nasa ibang bansa o polo. Ito rin ay maaari mong gamiting upang makapakinig ng iba’t-ibang genre ng musika.Dito rin ay pwede tayong makakuha ng litrato.Katulad ng mga estudyantena kung saan, imbis na magsulat sa kwaderno ay kinukuhan nalang ng litrato ang nakapaskil sa pisara. Marami pa itong naidudulot at nagagawa, ito ay may sariling listahan kung saan mailalahad mo ang mga bagay na gusto mo gawin, bilhin, mga utang at iba pa. maisusulat mo rin dito ang mga pangyayari sa bawat pang araw araw katulad ng kaarawan ng mahal mo o mga dapat plano. Ngunit sa lahat ng naitutulong ng cellphone saatin nagkakaroon din ng di magandang pangyayari na nagaganap na at maaari pang maganap. Isa narin ditto ang masyadong dumidepende ang mga tao sa cellphone at nagiging tamad ang mga ito. Tayo ay nagpapatalosa cellphone na kung saan tayong mga tao ay may pag-iisip na pwedeng gamitin. Isa pa ay, ginagamit ito sa pagkuha ng mga litrato o video ng maseselan. Na naiisipan pang ibahagi sa mga “social networking sites”. Sal ahat ng mga ito, mabuti na alam natin kung tama ba ang paraan ng paggamit nito. Lagging tandaan na gamitin ito sa paraang tama. Atin itong ingatan at huwag hayaang masira. Atin itong mahalin, kasing mahal nito. -Carlos Trisha Ang libro ay kayamanan na hindi matutumbasan ng kahit na ano, ito ay nakapagbibigay pag-asa at nakapag bibigay daan tungo sa magandang kaparoroonan ng buhay ng isang tao.
Ang libro ay mga pinagsama-samang mga salita o impormasyon na inilimbag sa papel. Ang libro ay tinatawag ring aklato “book” sa Ingles. Kung minsan ay kinapapalooban din ng mga larawan upang suportahan o higit na maipaliwanag ang mga impormasyong nais nitong ipahatid. Ang aklat o libro ay binubuo ng mga manunulat nito na kung tawagin ay awtor. Sa isang libro ay maaaring may isa, dalawa o higit pang awtor. Sa paraan ito na mas maraming awtor ay mas nakikilala at napapagandang nilalamang impormasyon ng isang libro. Ang komiks ay isang uri ng libro. Walumpung porsyento (80%) nito ay binubuo ng mga ibat-ibang larawan. Ito ay tila isang kuwento na may diyalogo ng bawat karakter. Ang mga“pocket books, novel, novelette at comics”ay mga libro na kadalasang binabasa upang makapagbigayaliw at ginagamit pampalipas araw ng iba. Ang mga librong ginagamit sa eskwelahan ay may ibat- ibang asignaturang pinapaksa na karaniwang kinapupulutan ng impormasyon. Ang mga librong “encyclopedia, atlas, alamanac, dictionary at iba pa., ay nagbibigay o naghahatid ng impormasyon ukol sa pangkalahatang kaalaman o “general information”. Ito ay ilan lamang sa mga magagagandang naidudulot ng pagbasa ng mga libro. Sa kabilang dako naman ay ang pagbabasa ng mga libro ay nakakapagdulot ng hindi mgandang karanasan s aibang tao. Halimbawa nalamang nito ay ang pagbabasa ng mga “horror” o katatakutan na nagdudulot ng “phobia” sa tao dahil sapag-iisip ng kung anu-ano batay sa binasa. Mahalaga ang libro sa pagkat ito’y nakakapagbigay kaalaman, nakakapagpalawak ng bokabularyo at imahinasyon. Sa mga nilalaman nito ay, tayong mambabasa ay nakatutulong humubog ng ating sariling pagkatao at nakatutulong mapaunlad ang sariling buhay. Alagaan ang libro, ikober, ilagay sa tamang lalagyanan, irespeto sa pamamagitan ng hindi pagkopya sa nilalaman nito. Ang mga ito ay mga paraan upang pahalagahan at pangalagaan ang mga ito. Ang libro ang iyong gabay sa kung ano ka man ngayon. Mahalaga ng matutong magbahagi ng iyong mga kaalaman katulad ng naibahagi at nagawa ng mga librong nabasamo noon. Ang libro ay tinulungan ka kung ano man ang hitsura mo noong nagsisimula ka pa lamang. Kaya huwag na huwag kang manghusga sa panlabas na anyo tulad ng libro na kahit may pangit na kober ay may maganda at mahusay na maihahatid sa iyo. - Sanchez, Leanna Ang bawat paggalaw ng mga kamay ng relo sa aking kamay ay paalala na ang bawat oras ay lumilipas at mahalaga. Ika nga nila "Time is gold". Kaya naman sinusulit ko ang oras na mayroon ako, biyaya ng Panginoon at paalala ng suot-suot kong relo. Tinuturing kong kayamanan ang bawat oras nang may pagmamahal. Dahilan upang hindi ko na halos mabilang ang masasaya at di makalilimutang mga alaala kasama ang relo ko na siyang nagpapaalala sa kagandahan at kasimplehan ng buhay tulad niya.
Bagama't simple at walang dating sa iba ang aking relo, masasabi kong ang lakas ng dating nito sa akin. Binigay ito sa akin ng aking Ate bilang graduation gift noong nasa elementarya pa lamang ako. Naging tanda ito ng pagpapatawad at tunay na pagmamahal sa pagitan naming dalawa ng Ate ko. Kaya naman kahit wala na sa uso kung maituturing ay hinding-hindi ko pa rin ipagsasawalang importansya ang kaibigan kong relo. At sa ilang taong pagkakaibigan namin ng aking relo ay may iba't ibang mga damdamin akong nararamdaman sa tuwing pasaglit kong sinisilip ang oras sa aking relo. Tuwa, galak, lungkot, takot, at kaba ay ilan lamang sa mga iyon. Simula kasi nang magkasama kami ng aking relo ay nakaugalian ko nang markahan ang oras at araw sa aking isipan ang mga masasayang alaala na puno ng mga aral.. Pero madalas kong sinusulyapan ang oras sa aking relo sa tuwing papasok ako ng eskwelahan sa umaga. Madalas kasi akong nahuhuli sa klase kahit na suot ko ang aking relo. At kung maaari lamang sanang patigilin ang oras kahit ilang saglit gamit ang aking relo ay nagawa ko na. Kung minsan naman ay nababagot ako sa tuwing makikita kong mahaba-haba pa ang oras kapag ako ay nasa loob pa ng silid-aralan habang nakikinig sa nakakaantok na diskusyon. Hinihiling ko na lamang na sana'y pabilisin ang oras kahit sa sitwasyon lamang na iyon. Pero ang higit na ikinasisiya ko tungkol sa aking simpleng relo na nakapaikot sa aking kaliwang kamay ay ang malaman na lagi siyang nandiyan na parang isang tunay na kaibigan saanman at kailnman. Kaagapay ko sa pakikipagsapalaran ko sa aking buhay. At sa humigit kumulang apat na taong pagkakaibigan namin ng aking relo ay tinuruan ako nitong pahalagahan hindi lamang ang oras maging ang mga bagay-bagay o pangyayari na lumilipas kasabay ng oras na hindi na maibabalik pa kailnman. Ngunit nananatili sa mga puso't isipan ng mga saksi ang sayang dala ng alaalang iyon. Kaya naman napakahalaga ng oras tulad ng halaga ng isang tunay na kaibigan. Kaya marapat lamang na sulitin natin ang bawat oras natin dito sa mundo nang naayon sa ikasisiya natin, ng ating kapwa, at higit sa lahat ng ating mahal na Panginoon. - De Leon, Maureen Sa paglipas ng matagal na panahon ang teknolohiya ay pabilis na ng pabilis sa pag-usbong. Napakarami na ng mga bagay na tumutulong sa bawat tao upang mas mapadali ang mga gawain sa pang araw-araw. Isa na rito ay ang pinakasikat at kilala sa lahat na kung tawaging ay “cellphone”. Sino nga ba ang hindi nakakalaam nito? Halos lahat maging matanda man o bata ay hindi papahuli pagdating sa mga bagong labas at mamahaling gadyet na ito. May iba’t iba itong tatak, pag mas kilala ay mas mahal ang presyo; minsan ay may umaabot pa ng apatnapung libo kada isa o kung kulang naman sa badyet ay may meron ring hindi lalampas ng isang libo. Kung noon ay simpleng text o call lang ang maaari nitong gawin; ngayon pati internet, games, browsing, at music ay pwedeng-pwede na. Ito ay dala na rin ng popularidad at pagtugon ng mga kumpanya sa demand ng mga tao.
Bilang isang mag-aaral ang cellphone ay napakahalaga sa akin, dala-dala ko ito sa bawat araw na pagpasok sa paaralan sapagkat ito ay nagsisilbing komunikasyon na gamit ko upang madaling makausap ang mga kaibigan at maiwasan na rin ang pag-aalala ng aking mga magulang. Gamit ko rin ito sa tuwing kailangan mag-research ng mga aralin. Ngunit kaakibat rin naman nito ay ang mga pinsala sa dala nito sa atin. Maliban sa radiation na maaaring makaapekto sa kalusugan,ang mga cellphone ngayon ay nagiging paraan na rin upang mapalaganap ang mga krimen. Hindi na magagarantiya ang seguridad sa paggamit nito dahil sa impluwensiya ng pag-usbong mas hi-tech na kagamitan. Ang lahat ng bagay ay may limitasyon, mahirap man gawin ngunit dapat tandaan na maging wais sa paggamit ng anumang teknolohiya. Huwag hayaan na makonsumo nito ang oras na maari pang ilaan sa mga mas makabuluhang bagay kagaya ng oras para sa kaibigan lalong-lalo na sa pamilya. Naway habang patuloy na umuusbong ang teknolohiya ay mas mabatid at matutunan ng tao ang mahusay at tamang paggamit nito. - Cayanan, Angelica P. |
AuthorHatid sa inyo ng ika-anim na grupo sa asignaturang Filbas. SALAMAT SA PAGBISITA! CategoriesArchives |