Ang libro ay mga pinagsama-samang mga salita o impormasyon na inilimbag sa papel. Ang libro ay tinatawag ring aklato “book” sa Ingles. Kung minsan ay kinapapalooban din ng mga larawan upang suportahan o higit na maipaliwanag ang mga impormasyong nais nitong ipahatid. Ang aklat o libro ay binubuo ng mga manunulat nito na kung tawagin ay awtor. Sa isang libro ay maaaring may isa, dalawa o higit pang awtor. Sa paraan ito na mas maraming awtor ay mas nakikilala at napapagandang nilalamang impormasyon ng isang libro.
Ang komiks ay isang uri ng libro. Walumpung porsyento (80%) nito ay binubuo ng mga ibat-ibang larawan. Ito ay tila isang kuwento na may diyalogo ng bawat karakter. Ang mga“pocket books, novel, novelette at comics”ay mga libro na kadalasang binabasa upang makapagbigayaliw at ginagamit pampalipas araw ng iba. Ang mga librong ginagamit sa eskwelahan ay may ibat- ibang asignaturang pinapaksa na karaniwang kinapupulutan ng impormasyon. Ang mga librong “encyclopedia, atlas, alamanac, dictionary at iba pa., ay nagbibigay o naghahatid ng impormasyon ukol sa pangkalahatang kaalaman o “general information”. Ito ay ilan lamang sa mga magagagandang naidudulot ng pagbasa ng mga libro. Sa kabilang dako naman ay ang pagbabasa ng mga libro ay nakakapagdulot ng hindi mgandang karanasan s aibang tao. Halimbawa nalamang nito ay ang pagbabasa ng mga “horror” o katatakutan na nagdudulot ng “phobia” sa tao dahil sapag-iisip ng kung anu-ano batay sa binasa.
Mahalaga ang libro sa pagkat ito’y nakakapagbigay kaalaman, nakakapagpalawak ng bokabularyo at imahinasyon. Sa mga nilalaman nito ay, tayong mambabasa ay nakatutulong humubog ng ating sariling pagkatao at nakatutulong mapaunlad ang sariling buhay. Alagaan ang libro, ikober, ilagay sa tamang lalagyanan, irespeto sa pamamagitan ng hindi pagkopya sa nilalaman nito. Ang mga ito ay mga paraan upang pahalagahan at pangalagaan ang mga ito.
Ang libro ang iyong gabay sa kung ano ka man ngayon. Mahalaga ng matutong magbahagi ng iyong mga kaalaman katulad ng naibahagi at nagawa ng mga librong nabasamo noon. Ang libro ay tinulungan ka kung ano man ang hitsura mo noong nagsisimula ka pa lamang. Kaya huwag na huwag kang manghusga sa panlabas na anyo tulad ng libro na kahit may pangit na kober ay may maganda at mahusay na maihahatid sa iyo.
- Sanchez, Leanna