Ang bawat paggalaw ng mga kamay ng relo sa aking kamay ay paalala na ang bawat oras ay lumilipas at mahalaga. Ika nga nila "Time is gold". Kaya naman sinusulit ko ang oras na mayroon ako, biyaya ng Panginoon at paalala ng suot-suot kong relo. Tinuturing kong kayamanan ang bawat oras nang may pagmamahal. Dahilan upang hindi ko na halos mabilang ang masasaya at di makalilimutang mga alaala kasama ang relo ko na siyang nagpapaalala sa kagandahan at kasimplehan ng buhay tulad niya.
Bagama't simple at walang dating sa iba ang aking relo, masasabi kong ang lakas ng dating nito sa akin. Binigay ito sa akin ng aking Ate bilang graduation gift noong nasa elementarya pa lamang ako. Naging tanda ito ng pagpapatawad at tunay na pagmamahal sa pagitan naming dalawa ng Ate ko. Kaya naman kahit wala na sa uso kung maituturing ay hinding-hindi ko pa rin ipagsasawalang importansya ang kaibigan kong relo.
At sa ilang taong pagkakaibigan namin ng aking relo ay may iba't ibang mga damdamin akong nararamdaman sa tuwing pasaglit kong sinisilip ang oras sa aking relo. Tuwa, galak, lungkot, takot, at kaba ay ilan lamang sa mga iyon. Simula kasi nang magkasama kami ng aking relo ay nakaugalian ko nang markahan ang oras at araw sa aking isipan ang mga masasayang alaala na puno ng mga aral.. Pero madalas kong sinusulyapan ang oras sa aking relo sa tuwing papasok ako ng eskwelahan sa umaga. Madalas kasi akong nahuhuli sa klase kahit na suot ko ang aking relo. At kung maaari lamang sanang patigilin ang oras kahit ilang saglit gamit ang aking relo ay nagawa ko na. Kung minsan naman ay nababagot ako sa tuwing makikita kong mahaba-haba pa ang oras kapag ako ay nasa loob pa ng silid-aralan habang nakikinig sa nakakaantok na diskusyon. Hinihiling ko na lamang na sana'y pabilisin ang oras kahit sa sitwasyon lamang na iyon. Pero ang higit na ikinasisiya ko tungkol sa aking simpleng relo na nakapaikot sa aking kaliwang kamay ay ang malaman na lagi siyang nandiyan na parang isang tunay na kaibigan saanman at kailnman. Kaagapay ko sa pakikipagsapalaran ko sa aking buhay.
At sa humigit kumulang apat na taong pagkakaibigan namin ng aking relo ay tinuruan ako nitong pahalagahan hindi lamang ang oras maging ang mga bagay-bagay o pangyayari na lumilipas kasabay ng oras na hindi na maibabalik pa kailnman. Ngunit nananatili sa mga puso't isipan ng mga saksi ang sayang dala ng alaalang iyon. Kaya naman napakahalaga ng oras tulad ng halaga ng isang tunay na kaibigan. Kaya marapat lamang na sulitin natin ang bawat oras natin dito sa mundo nang naayon sa ikasisiya natin, ng ating kapwa, at higit sa lahat ng ating mahal na Panginoon.
- De Leon, Maureen